Meggie Ochoa, nasungkit ang gold sa Asian Games

Nasungkit ni Jiu-jitsu fighter Margarita “Meggie” Ochoa ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa XSL Gymnasium sa Hangzhou, China.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Tinalo ng Filipina pride si Abdulla Balqees ng United Arab Emirates sa gold medal round ng women’s under-48kg Brazilian jiu-jitsu competition.

Nanalo ito sa kalamangan matapos makuha ang isang superior na posisyon laban kay Abdulla.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Naging emosyonal ito matapos ihayag ang kanyang panalo.

Ito ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas matapos ang panalo ni EJ Obiena sa Asiad pole vault tournament.