OCTA, nakikitang posibleng maging ‘game changer’ ang Delta variant sa COVID-19

Nakikitang posibleng maging ‘game changer’ ang Delta variant sa laban ng bansa kontra sa COVID-19 dahil maaring maparalisa umano nito ang health care system sa bansa, bunsod sa infectious nature nito.

Babala ni Ranjit Rye ng Octa, ang mas nakakahawang variant ay maaring magdulot sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Read More:  DA urges Filipinos to stop wasting rice as PhilRice says 10.85 million sacks are wasted yearly

Dahil dito, pinayuhan ni Rye ang mga Pilipino na hindi dapat na maging kampante at iminungkahing sundin ang minimum public health protocols.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Nabatid na mula June 21, nakapagtala na ang Pilipinas ng 17 kaso delta variant, pero ang lahat ng ito ay nadetect sa borders ng bansa.

Sa ngayon, wala pa namang local transmission ng naturang variant. // MHEL PACIA-TRINIDAD