Ginang timbog sa drug buy- bust operation sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang ginang sa isinagawang drug buy bust operation ng mga pulis bago mag tanghali nitong  Miyerkules sa Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office kinilala ang suspek na si Jean Moral y Ibasco 40, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa pag iingat ng suspek ang apat na piraso ng maliliit na pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Si Moral ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya na ngayon ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Hinimok  naman ni PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor ang publiko na maging listo,  mapanuri at agarang ireport sa pulisya ang anumang iligal na gawain lalo na ang iligal na droga.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Maaaring magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa E- Sumbong upang tuluyan nang masawata ang pagkalat ng droga sa lalawigan.