Bicol region may panibagong mahigit 19K doses ng Coronavac

BICOL—Panibagong 19,680 doses ng Coronavac o ang bakunang gawa ng Sinovac mula China ang dumating sa Bicol region kahapon.

Ang mga bakunang ito ay nakalaan para sa mga lalawigan sa mainland Bicol kabilang ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, at Sorsogon habang direkta nang idedeliver mula NCR ang mga bakunang para naman sa mga islang lalawigan ng Catanduanes at Masbate.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, ang Camarines Sur ang may pinakamataas na alokasyon na mayroong 9,520 doses; 4,920 sa Sorsogon; 3,840 doses sa Albay at 1,400 doses naman sa Camarines Norte.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Karamihan sa mga nasabing bakuna ay nakalaan para sa second dose ng mga vaccinees na nasa A1, A2, at A3 priority groups.###