Mas magiging mabilis na ang pagpoproseso ng renewal ng business permit sa Lungsod ng Olongapo.
Ito ay matapos na ilunsad na ang Electronic Business Permit and Licensing System o EPLS nakalipas na araw.
Sa pamamagitan ng online processing ay hindi na maaabala ang negosyante na pumunta pa sa Gusaling Panlungsod para magproseso.
Kinakailangan lamang mag log in sa IBPLS link, dito isusumite ang mga documentary requirements, maghihintay ng final assessment at billing bago pa pupunta ng Treasury section o bangko para magbayad.
Pagkatapos nito ay maaari nang makuha ang business permit at maging ang Barangay Clearance.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
