PH Men’s Volleyball Team, bigo sa unang laban sa Asian Games

Bigo ang Philippine men’s volleyball team sa kanilang opening game laban sa Indonesia para sa kakasimula pa lang na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Dumanas ang koponan ng Pilipinas mga iskor na 22-25, 23-25, 20-25, na tinalo ng mga Indonesian para sa 0-1 simula sa Pool F ng men’s competition.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Pinangunahan ng beterano at national team mainstay na si Bryan Bagunas ang bansa na may 17 puntos sa 16 na pag-atake at isang block.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Samantala, wala ng ibang Pilipinong manlalaro ang nakaiskor ng double digits dahil may 8 at 9 na puntos lamang sina Steven Rotter at Marck Espejo.

Susubukang bumawi ng Pilipinas sa Miyerkules ng 2:30 p.m. laban sa Afghanistan.