56 na indibidwal, patay sa sunog sa Vietnam

Umabot na sa limampu’t anim na tao ang namatay at tatlompu’t pito ang sugatan sa sunog sa isang apartment block sa Hanoi, Vietnam.

Nagsimula bago mag hatinggabi noong Martes (1700 GMT) sa parking floor ng 10-palapag na gusali, kung saan puno ito ng mga motorsiklo.

Read More:  Death toll from Nepal, Tibet flash floods surpasses 1,000

Inaresto na ang may-ari ng apartment block dahil sa hinalang paglabag sa mga regulasyon sa pag-iwas sa sunog.

Read More:  Bharatpur Hospital in Nepal resumes normal services after morgue overflow

Napapaligiran raw kasi ng mga bakal ang balkonahe ng complex at meron lamang ito ng iisang labasan kung saan wala ring dawng emergency ladder.

Tinuturing itong “deadliest fire” sa  Vietnam sa loob ng dalawamput taon.