PNP, magdaragdag ng psychologists at psychiatrists

Palalakasin umano ng Philippine National Police ang kanilang character and background investigation.

Ito ay kasunod ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa iligal na gawain kasama na ang paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, malaki ang maitutulong ng National Police Clearance para malaman kung may mga previous records ang mga nag a-apply pa lamang para mapabilang sa kanilang hanay.

Read More:  House Prosecution considers stipulating witness Edward Fajarda’s testimony to expedite impeachment trial

Titingnan din aniya ng PNP kung mayroong mali sa ginagawa nilang recruitment.

Bukod pa ang ginagawa nilang training pagdating sa mga imbestigador na napupunang may lapses kaugnay ng mga nakaraang insidenteng kinasasangkutan ng mga pulis.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Plano na rin sabi ni Fajardo na dagdagan ang kanilang psychologists at psychiatrists.

Bahagi ito ng mga hakbang na ipinatutupad ng PNP para masigurong nasa matinong kaisipan ang mga pulis.