Brigada Batangas, binigyang pagkilala ng PCG-Southern Tagalog

Kabilang ang 104.7 Brigada News FM Batangas sa ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ng Philippine Coast Guard-Southern Tagalog sa ginanap na ‘Awarding Ceremony for Stakeholders’ kahapon ng Martes, Setyembre 12.

Sa pananalita ni PCG-Southern Tagalog Commander Commodore Geronimo Tuvilla, ang naturang pagkilala ng ahensya ay para sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga stakeholders sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kasabay nito, binigyang diin naman ni Tuvilla na ang Coast Guard Southern Tagalog ay hindi na kagaya ng dati na nag-iinspeksiyon lamang sa mga sasakyang pandagat kundi kaisa na rin sila sa mga aktibidad na kalupaan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Umaasa naman si Commander Tuvilla na patuloy na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa kanila ang iba’t-ibang stakeholders.

Samantala, bukod sa Brigada Batangas, ginawaran din ng Coast Guard ng  sertipiko ng pagkilala ang iba’t-ibang grupo at organisasyon sa buong Timog Katagalugan.