PBBM, tiniyak na may hakbang sa bagong ’10-dash line’ claim ng China

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na tutugon ang Gobyerno ng Pilipinas sa bagong in-isyu na ‘standard map’ ng China kung saan ay pinalawig pa nila ang kanilnag ‘9-dash line’ claim sa ’10-dash line’.

Sa media interview sa Pangulo matapos ang isang event sa Palawan – sinabi nitong magre-‘respond’ ang Gobyerno sa China.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Sa kabila nito, hindi pa direktang nilinaw ni Marcos kung anong klaseng response ang gagawin ng Pamahalaan sa panibagong claims ng Chinese gobvernment.

Hindi na rin daw muna niya ide-detalye ang operasyon at laman nito.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Sa kabila niyan, tiniyak ng Pangulo na patuloy na susunod ang Pilipinas sa international law partikular na ang UNCLOS na una nang kumampi sa claims ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.