LEGAZPI CITY – Isang barangay lamang sa lungsod ng Legazpi ang nasa ilalim ng red category para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan 2023.
Kinumpirma ni Legazpi City PNP Chief of Police PLt. Col. Jun Iaan Rojas sa Brigada News FM Legazpi na ang barangay na ito ay ang Cagbacong.
Aniya, ang basehan kung bakit ito isinailalim sa red category dahil mayroong naitalang election-related violence noon partikular sa isa ring tumatakbong opisyal sa barangay.
Samantala, kinumpirma na rin ni Rojas na limang lugar sal lalawigan ang napabilang sa orange category.
Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Taysan, Homapon, Mariawa, Banquerohan at Bariis.
Ayon kay Rojas, basehan sa pagkakalagay ng mga ito sa nasabing kategorya ang mga naitalang ekwentro sa pagitan ng hanay ng gobyerno at ilang mga rebeldeng grupo.
Dahil dito, bibigyan umano nila ng prayoridad ang mga nasabing lugar sa magkahiwalay na kategorya sapagkat dito mas kinakailangan ng maraming mga tropa.