Mala-Miss Universe na requirements ng isang snack brand, trending!

Kasado na ba ang lahat para sa Miss Potato Corner? Sinong pambato niyo mga Ka-Brigada?

Pero bago yan, naglabas na ng pahayag ang snack brand na Potato Corner matapos ang kontrobersyal na job posting.

Ayon sa kompanya, pinangangahalagahan nito ang diversity at inclusivity.

Dagdag pa nito, hindi sinusuportahan ng kompanya ang “Discriminatory hiring” dahil binibigyan nito ng kahalagahan ang lahat ng inidibidwal.

Kung maalala, nag-viral sa social media ang job posting ng Potato Corner, kung saan nakasaad ang mga matitinding requirements ng kompanya na pang mala-beauty queen.

Para naman maki-join sa trending topic, nag-edit ang mga netizens ng mga beauty queens na nag-aapply bilang Ms. Potato Corner, kasama diyan sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, at Rabiya Mateo.

Kung ganito ka-ganda ang mga magse-serve sayo ng fries, mapapa-order ka talaga ulit at mapapasabi ng and I…. Thank you!