Kabiguang maprotektahan ang Manila Bay mula sa reclamation projects, hindi lang daw dapat isisi sa DENR

Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi lang sila ang dapat sisihin sa kabiguan na maprotektahan ang Manila Bay mula sa reclamation projects.

Ayon kay Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga sa budget briefing ng House Committee on Appropriations, maraming ahensya at lokal na pamahalaan ang nagsulong sa mga proyekto na ito.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ito ang kanyang tugon sa panawagan ni Kabataan Party-list representative Raoul Manuel na ang DENR ang naglagda ng lahat ng environmental compliance certificates (ECCs) sa mga sinuspindeng reclamation projects.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sa huli, sinabi nitong hindi permit ang ECC dahil ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ang nagbibigay ng permiso para pahintulutan ang mga proyekto sa Manila Bay.