PSA, pinag-iingat ang publiko sa banta ng scam, kasunod ng pagka-hack ng account ng PSA R-7

Nagbabala sa publiko ang pamunuan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mag-ingat sa banta ng scam na possible maidulot ng na-hack na account ng Region-7.

Kaugnay nito nananawagan ang PSA R-7 na i-unfollow na ang nasabing account dahil saw ala na silang access dito at nai-report na rin naman sa Meta, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Tiniyak naman ng PSA Central Visayas na kontrolado pa ang lahat at walang dapat ipangamba ang publiko lalo’t buwan pa lamang ng Pebrero ay ini-report na nila ito.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nabatid na may limang buwan na simula ng ma-hack ang naturang account kung saan may iba’t ibang picture na ng babae ang naka-upload dito.
#