Panibagong round ng tigil-pasada, ikakasa ng mga transport groups sa July 24

Inanunsyo ng ilang transport groups na magkakasa sila ng panibagong round ng nationwide na tigil-pasada sa mga pampasaherong jeepneys.

Sa isang pulong balitaan, itataon ng grupong MANIBELA, at ng iba pang samahan ang kanilang transport strike sa mismong araw ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 24.

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Magtatagal daw ito ng hanggang sa July 26.

Giit ni MANIBELA national president Mar Valbuena – ito ay dahil sa ginawang paga-award ng ruti sa ilang mga local government units o LGUs; at iba pang mga kooperatiba.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Muli naman niyang iginiit ang panawagang dapat nang magbitiw sa puwesto sina Transportation Sec. Jaime Bautista, at Land Transportation and Franchising Regulatory Board chairperson Teofilo Guadiz.