Tubig-ulan sapat pa hanggang buwan ng Setyembre – PAGASA

Hindi pa umano dumarating ang El Nino phenomenon kaya may pagkakataon pa ang mga magsasaka na magtanim ngayong buwan hanggang Setyembre na siyang normal planting season, ayon ito sa OIC ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) na si Dr. Esperanza Cayanan.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Sa ipinadalang Media Release sa Brigada News, sinabi ni Cayanan na sapat pa ang tubig ulan para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka hanggang Setyembre kaya maaani pa ang mga pananim bago dumating ang El Nino.

Pagsapit aniya ng Setyembre ay mababawasan na ang mga pag-ulan hanggang Disyembre na magiging hudyat ng tagtuyot kung saan isa ang lalawigan ng Sorsogon sa 36 na mga probinsya ang posibleng makaranas ng ‘dry spell’  o pagkatuyo ng mga lupa habang dalawang probinsya ang makakaranas ng ‘drought’ o matinding tagtuyot.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge