US Pentagon Chief at Defense Sec. Teodoro, pinaplano na ang personal na pakikipagpulong

Maging si US Defense Sec. Lloyd Austin ay nababahala na rin sa patuloy na pangha-harass ng China sa Philippine Coast Guard.

Iniulat ng Pentagon ang naging reaksyon ni Austin kung saan ay inilarawan niya ito bilang isang ‘coercive and risky behavior’ na nakadirekta sa mga barko ng Pilipinas.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Ginawa ni Austin ang pahayag matapos ang isang phone call sa pagitan ng kaniyang counterpart dito sa Pilipinas na si Defense Sec. Gibo Teodoro.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Samantala, natalakay din ng dalawa ang mga nilalaman ng Security Sector Assistance Roadmap at ang General Security of Information Agreement.

Inasahan namang personal na magpupulong ang dalawang defense chiefs.