PBBM, iginiit ang kahalagahan ng SIM registration vs scam

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr ang kahalagahan ng SIM registration laban sa mga scam.

Dahil gumagamit na ng bagong teknolohiya ang mga scammer, mahalaga ayon sa pangulo ang gumugulong na SIM registration para masawata ang mga online scam.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Sa tala ng National Telecommunications Commission, lumagpas na sa 100M SIM cards ang nairehistro sa tatlong Telcos ng bansa.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Matatandaang pinalawig ng pamahalaan ang pagpaparehistro ng SIM cards hanggang July 25, 2023 mula sa orihinal nitong deadline noong April 26.