Australia, nangako ng mahigit P480M worth ng COVID-19 vaccines sa PH

Inanunsyo ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson na may karagdagang donasyon ang Australia na P480.2 million para pambili ng COVID-19 vaccines ng Pilipinas.

Ayon kay Robinson, ito ay magiging mahalagang kontribusyon para makamit ang vaccine needs ng bansa ngayong taon.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Dagdag ng envoy, ang bagong commitment ay karagdagan sa suporta ng Australia sa pamamagitan ng global initiative COVAX, kung saan nag-ambag sila ng AU$ 130 million.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa ngayon, nakakatanggap na ang Pilipinas ng 5,025,870 COVID-19 vaccine doses mula sa COVAX facility.

Maliban dito, magbibigay rin ang Australia ng AU$ 7.52 million para sa vaccine delivery support sa Pilipinas, sa pamamagitan ng UNICEF Philippines at WHO Philippines. // MHEL PACIA-TRINIDAD