1st batch ng Moderna COVID-19 vaccine, inaasahang darating sa June 25- Dizon

Inihayag ni Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon na magsisimula nang dumating sa bansa ang unang batch ng bakuna kontra covid-19 na gawa ng Moderna sa June 25.

Ayon kay Sec. Dizon, ito ay bahagi ng nalagdaan na 20 million doses ng Moderna na kukunin ng bansa.

Read More:  Grade 4 student dies after school deworming in Cavite

Sinabi pa ng opsiyal, nasa huling bahagi na rin ang negosasyon ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., para sa pagbili ng 40 million doses ng bakuna ng Pfizer.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Bukod pa rito ay patuloy din ang pagtrabaho ni Sec. Galvez sa planong pagbili ng pamahalaan ng single dose na bakuna ng Johnson and Johnson.

Samantala, maliban sa mga bibilhing bakuna, sinabi ng opisyal na may mga usapan na rin para sa donasyon ng Pfizer, Moderna at J&J.