LTO Bicol, binigyang-diin ang tungkol sa kakulangan ng supply ng driver’s license plastic cards

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang tungkol sa kakulangan ng supply ng driver’s license plastic cards.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay LTO Bicol Regional Director, Francisco Ranches, Jr., sinabi niya na pansamantalang lisensya na muna ang kanilang iiimprinta sa papel upang sila ay makapagmaneho ng kanilang sasakyan.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Aniya, hindi na kailangan pang magpaliwanag ang mga drivers dahil alam na rin nila ito, basta’t ipakita lamang sa kapulisan o traffic enforcer ang kanilang lisensya.

Patuloy naman umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) patungkol sa procurement ng mga driver’s license card.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Umaasa ang opisyal na agad itong mabibigyan ng solusyon nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng taumbayan.

Kung matatandaan, nagpaliwanag ang LTO na hindi na nila hawak ang procurement ng license card alinsunod sa special order ng DOTr, kung saan ang 50M pataas na transaksyon ay ipoproseso na sa central office nito.