Gonzales, nanumpa na bilang bagong Senior Deputy Speaker

Sa kabila ng ugong noong nakaraang linggo na may destabilisasyon sa liderato ng kamara, sinamahan pa ni Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo si Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa panunumpa nito kanina bilang bagong House Senior Deputy Speaker.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Si Gonzales ay opisyal na nanumpa sa tungkulin sa harap nina House Speaker Martin Romualdez at  Arroyo.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs

Bago manumpa, personal na sinundo ni Gonzales si Arroyo , bagay na pinalakpakan ng mga mambabatas.

Nagmano pa si Gonzales kay Arroyo at nagpalitrato ang tatlo.//CA