Pulis Bantayog nagsagawa ng 13 operasyon sa SACLEO kaugnay sa Anti-Illegal Gambling; 27 personahe, arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ang 27 indibidwal matapos masakote sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) on Illegal Gambling ng mga kapulisan sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte mula May 10-16, 2023.

Labing tatlong operasyon ang matagumpay na ikinasa kontra iligal na sugal na kinabibilangan ng E-Sabong, Tupada, Tong-its, Bookies (STL) at iba pang uri ng iligal na sugal.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Dalawa sa mga naaresto ay operator, isang financier, 18 bettor, 6 na collector na umabot sa kabuoang 27 indibidwal.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

Nakumpiska naman ang nasa Php 15,269.00 bet money mula sa mga naarestong personahe.

Sa kasalukuyan, ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nakakustudiya sa himpilan ng mga umarestong kapulisan.