Nawawalang surfer sa Australia, hinihinalang patay na matapos atakihin ng pating

Pinaniniwalaang patay na ng mga awtoridad ang isang surfer matapos atakihin ng pating sa isang beach sa Australia.

Sa ulat ng state police , kinilala ang surfer na si Simon Baccanellow, isang guro.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Sinasabing inatake ng pating ang biktima habang nasa Walkers Rock Beach.

Ilang surfers rin na nasa lugar ang nakasaksi sa insidente.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Patunay nito ang paglutang ng ilang items na pagmamay-ari ni Simon katulad ng maliliit na piraso ng white polystyrene na hinihinalang surfboard material.//CA