Legazpi CPS, nagbigay ng awareness lecture laban sa droga at terorismo sa mga kabataan sa lunsod

LEGAZPI CITY – Nagbigay ng awareness lecture ang mga tauhan ng Legazpi City Police Station (CPS) sa mga kabataan laban sa droga at terorismo kasabay ng candle lighting activity sa Brgy. 22, Binanuahan East ng nasabing lunsod.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCAD personnel, PSSg. Marivic Gruta, kaugnay ng thrust and flagships program ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. na “Serbisyong Nagkakaisa.”

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Nilahukan ito ng 60 mga kabataan na binubuo ng Barangay SK Council at SK members ng nasabing barangay.

Ang mga paksa namang tinalakay ay ang mahahalagang punto sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, PWUDs Community-based Rehabilitation Program (CBRP), Knowing Thy Enemy (KTE), E-CLIPRA 7610, RA 11313, at ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Layunin nitong turuan ang mga kabataan na isulong ang kamalayan sa mga ipinagbabawal na droga at mga pagsisikap sa seguridad ng kapayapaan ng pamahalaan na magtataguyod ng pisikal at sikolohikal na ligtas na kapaligiran.

Samantala, lahat naman ng mga kalahok ay nagsindi ng kandila, habang nag-aalay ng panalangin para sa mga biktima ng teroristang aksyon ng CPP-NPA-NDF.