Full electrical audit ng NAIA Terminal 3, lumarga na

Inumpisahan na ng mga transportation officials ang electrical audit ng Ninoy Aquino International Airport – Terminal 3 (NAIA 3).

Ito ay kasunod ng naranasang aberya noong labor day dahil sa power outage ng naturang termina.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) officer-in-charge Bryan Co, katuwang ang MERALCO ay lumarga na ang pago-audit sa mga electric assets at facilities ng NAIA 3.

Mula sa audit – malalaman ng MIAA kung anu-ano pang mga kagamitan ang kailangan nang i-rehabilitate, i-upgrade, bilhin, at palitan.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Inaasahan namang matatapos ito sa loob ng tatlong linggo.

Bago ito, una nang inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dalawang oras na lamang ang inaasahang shutdown ng ating airspace sa May 17.