6 more mos: Duterte, pinalawig ang suspensyon sa VFA abrogation

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan ang abrogation sa Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa United States.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., pinalawig ng pangulo ang suspension para lalong pag-aralan ang hakbang habang tinutugunan ng parehong panig ang kanilang concerns kaugnay sa partikular na aspeto ng kasunduan.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Ang desisyon ay kasunod ng pagsusumite ng mga opisyal ng Pilipinas at US kay Duterte ng “improved” version ng VFA.

Matatandaan na noong Pebrero 2020 nang iterminate ng pangulo ang kasunduan, pero nasuspende ang proseso para dito noong Hunyo ng nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic at sa banta ng pinag-aagawang South China Sea.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ang VFA ay nagbibigay ng legal framework para sa presensya ng tropa ng Amerikano sa Pilipinas sa pamamagitan ng joint military exercises. // MHEL PACIA-TRINIDAD