Dagdag na warning sign lang- sapat na; road rehab. no need na- DPWH

Naniniwala ang Department of Public Works & Highways (DPWH )3rd Engineering District na hindi na kailangan ng road rehabilitation sa mga accident-prone area partikular sa Puerto Princesa South National Highways.

Ayon kay OIC Asst. District Engr. Arthur Torillo, sa imbestigasyon ng DPWH ay walang mali sa  design ng kalsada kaya hindi na kailangan ng “road rehabilitation” o pag-uulit ng konstrusyon ng kalsada.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Idinagdag nito na may mga road signs and warning signs na sa mga highway at kinakailangan na lamang na dagdagan ito upang lalong maging maingat ang mga motorista.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Para kay Engr. Torillo, ang kadalasang sanhi ng mga aksidente ay “human error” o hindi pagsunod sa speed limit.