Umano’y tirador ng helmet huli sa Naga City

NAGA CITY – Huli sa aktong nagnanakaw ang itinuturong tirador umano ng mga mamahaling helmet sa Naga City.

Ito’y matapos na mahuli ng Security Guard sa basement ng isang hotel sa lungsod na abala sa pagkuha ng mga Helmet na nakasabit sa mga motorsiklo.

Ayon sa ulat ng Naga City Police Office, ang nag-iikot ang Security Guard nang nakakita sa suspek na si Anthony Velasco,  25-anyos, isang private employee at residente ng Del Rosario, Canaman Camarines Sur, na kinukuha isa-isa ang mga nakasabit na helmet, kung kaya sinita ito ng sekyu.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Tinangka naman ng suspek na tumakas pero kaagad itong nahuli ng Security Guard at mabilis na nagparesponde sa PNP.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nabawi sa pag-iingat nito ang tatlong branded na helmet na hindi bababa sa dalawang libong piso ang halaga at ito’y pag-aari ng isang DPWH Employee, isang promoter at isang design engineer.

Samantala, inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung sino-sino pa ang kasamahan nang suspek at kung may kinalaman o koneksyon pa sa ibang insidente ng pagkuha ng helmet.