Go, suportado ang panukala na lagyan ng body camera ang mga pulis na makikiisa sa anti-illegal drug operations

Suportado ni Senator Bong Goang panukala na lagyan ng body camera ang mga pulis lalo na kapag may anti-illegal drug operations.

Sa ambush interview kay Go sa Roxas City, Capiz, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng transparency sa police operations partikular sa paghahain ng warrants of arrest at paghuli sa mga suspek.

Read More:  House prosecutors drop bribery charge against Sara Duterte

Samantala, sinabi pa ng Senador na hindi a dapat magkaroon ng anumang dahilan ang mga pulis para masangkot sa anumang katiwalian, lalo na at tumaas na ang kanilang sahod.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Ang mga tiwaling opisyal aniya ay dapat  ihiwalay sa mga tapat upang maiwasan ang paglaganap ng korapsyon sa kanilang hanay.//CA