35 na mga jail guard ng IPPF na may magandang track record, ililipat sa New Bilid Prison

Madesdestino sa New Bilibid Prison (NBP) ang tatlumpu’t lima ( 35) na Jail Guard ng Iwahig Prison Penal Farm (IPPF) na kapalit sa prison guard ng New Bilibid Maximum Security Compound sa Muntinlupa.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ayon kay bagong BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., ang 35 na mga Jail Guard mula sa Iwahig ay may rango na Officer 2 at 3.

Aniya, ang mga Jail Officer ng IPPF ay napili dahil umano sa maayos na track record at sa kanilang mga performance.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Naniniwala naman si Catapang na ang mga papalit na prison guard sa may kakayanan na mapanatili ang kaayusan sa Maximum-Security Compound.