UP juniors standout Kobe Demisana nag-commit na maglaro para sa Ateneo

Patuloy na pinalalakas ng Ateneo de Manila University ang kanilang listahan nang makuha nila ang commitment ng University of the Philippines Integrated School big man na si Kobe Demisana.

Ang 6-foot-8 Demisana na miyembro ng UAAP Season 85 mythical team para sa boys’ basketball tournament ay nakatakdang maglaro sa Season 86.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Sinabi ng big man ng Gilas Youth na ang Ateneo ay isa sa kanyang mga pinapangarap na paaralan.

Nagposte si Demisana ng average na 17.64 points, 12.64 rebounds, 4.07 blocks, 2.64 assists, at 2.14 steals sa kanyang solong season para sa juniors team ng Fighting Maroons.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Makakasama ng taga-Ilo-ilo ang kapwa Ilonggo na sina Raffy Celis at Cebuano na si Michael Asoro, kapwa mula sa Sacred Heart School-Ateneo de Cebu bilang mga rookies.//CA