Isa sa hinihinalang utak sa pagpaslang kay Gov. Degamo, nahuli at nasa kustodiya na ng NBI

Nahuli at nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation ang isa sa mga hinihinalang utak sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Naging matipid si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa detalye at sinabing sa Lunes na isasapubliko ang karagdagang impormasyon dito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sinabi ng Justice Sec. na hindi lumaban sa pag-aresto at binasa ng mga awtoridad ang kanyang mga karapatan.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sinabi ni Remulla na 99% solved na ang kaso sa pagpatay sa Gobernador.//CA