Solo parents’ day sa City of San Fernando, inihihirit

Isinusulong ng mga Solo Parents sa City of San Fernando na magkaroon ng Solo Parents’ day sa lungsod.

Ito ang naging sentro ng talakayan sa kanilang isinagawang pagpupulong kasama si City Mayor Vilma Caluag.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Buwan-buwan kasing pinupulong ng City Government ang mga Solo Parent kasama ang mga PWDs o Person with Disability para magbigay ng regular na ayuda sa mga ito.

Maliban pa rito pinag-uusapan rin kasama si City Mayor Vilma Caluag ang programa, plano, at isyu na kinakaharap ng kanilang grupo at mga miyembro.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Caluag, makatutulong ang buwanang pulong sa pag-monitor sa progreso ng kanilang mga programa at plano habang sinabi nitong laging aantabay ang lokal na pamahalaan upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan.