Ilang mga kompanya sa Legazpi City, nagpa-accredit na sa PESO para sa local recruitment activity

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Public Employment Service Office (PESO) Legazpi na may mga nagsisipagpuntahan nang mga kompanya sa kanilang opisina upang magpa-accredit nang makapag-avail ng local recruitment activity.

Ayon kay PESO Legazpi manager, Diosdado Rañeses, may mga iilan na ring job seekers ang pumupunta sa kanila upang maghanap ng mapapasukang trabaho.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

May mga kompanya na ring nagsasabi sa opisina na magkaroon ng nasabing aktibidad, kung saan tatanggap sila ng mga bagong maha-hire na empleyado.

May mga negosyo na rin umano ang unti-unting nakakapagbukas, matapos maranasan ang pandemya, kung saan, karamihan sa mga ito ay nagsara, natanggal sa mga trabaho o nagbawas ng mga empleyado.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Umaasa ang opisyal na sa mga susunod na buwan ay makikilahok ang mga ito para sa gagawing job fair ng lunsod.