Nagset-up ang mga Telecommunication companies sa Rizal Triangle ng Olongapo City simula pa kahapon, araw ng Lunes.
Ito ay para tulungan ang mga mamamayan ng lungsod na hindi pa nakakapag-rehistro ng kanilang mga sim card.
Ang pagpaparehistro sa Rizal Triangle ay tatagal hanggang sa araw ng Byernes mula alas nwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Read More: Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City
Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act na inaatasan ang publikong iparehistro ang mga sim card hanggang April 26, 2023.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
