Romualdez nanawagan kay Teves na harapin ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa pagpatay kay Gov. Degamo

Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na bumalik sa bansa sa lalong madaling panahon at harapin ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa pagpatay sa kanyang kaaway sa pulitika na si Gov. Roel Degamo.

Si Teves, na kasalukuyang nasa Estados Unidos, ay pinangalanan bilang ang umano’y utak sa likod ng walang pakundangan pagpatay kay Degamo at walong iba pang indibidwal sa loob ng tirahan ng lokal na opisyal sa bayan ng Pamplona noong Sabado.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Tinutukoy ng naulilang pamilya ng napatay na gobernador ang pulitika bilang pangunahing motibo ng pag-atake.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Ayon kay Romualdez nais niyang marining ang panig ng kwento ni Teves.

Hindi aniya titigil ang pamahalaan na kilalanin at papanagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimen na ito.//CA