PAO chief, nanawagan para sa pagbuwag ng mga fraternities na masasangkot sa hazing deaths

Iminungkahi ng Public Attorney’s Office na kailangan nang buwagin ng gobyerno ang mga fraternities na nagsasagawa ng ‘deadly welcoming rites’.

Ang pahayag ni PAO Persida Acosta ay matapos masangkot sa isa na namang kaso ang kontrobersiyal na Tau Gamma Phi, dahil sa pagkamatay ng isang Adamson student dahil sa hazing.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag ni Acosta, na ang 20-anyos na si Ronnel Baguio, na estudyante ng isang unibersidad sa Cebu ang nakaranas din ng kaparehong kapalaran noong December 2022 sa ilalim ng mga kamay ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dahil dito, kailangan na otomating iterminate ang registration ng naturang grupo sa Securities and Exchange Commission, at kung ang batas naman ay obsolete na, dapat ay maamyendahan ito. Giit ng PAO, maari namang bumuo ng asosasyon na friendly, nagpo-promote ng pagkakapatiran, at hindi murder o homicide.