Lea Salonga, magbabalik sa Broadway sa isang musical tungkol kina Ferdinand at Imelda Marcos

Magbabalik sa Broadway si Lea Salonga sa Broadway para sa isang musikal tungkol kina Ferdinand at Imelda Marcos sa kapangyarihan at sa kanilang pagbagsak kasunod ng EDSA People Power Revolution.

Sa Here Lies Love, gagampanan ni Salonga, na nagsisilbi ring producer, si Aurora Aquino, ang ina ng pinaslang na opposition senator na si Ninoy Aquino.

Read More:  Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan hosts’ remarks about son Josh

Kakantahin ng karakter ni Salonga ang Just Ask the Flowers, kung saan ikinalungkot niya ang pagkamatay ni Ninoy at hinihikayat ang mga Pilipino na magsama-sama.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Sa Instagram, ibinahagi ni Lea ang isang video na nagpapahayag ng kanyang upcoming show.

Magpe-perform si Salonga sa loob ng limang linggo, mula July 11 hanggang August 13.//CA