3rd nominee ng ACT-CIS, nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw sa kanyang pwesto sa Kamara ang third nominee ng  ACT-CIS party-list na si Jeffrey Soriano.

Tinanggap ng House leadership ang kanyang pagbibitiw na inihain noong February 6.

Bago ang kanyang pagbibitiw, si Soriano ay assistant majority leader, vice chairperson ng tatlong komite, at miyembro ng mayorya ng anim na iba pang panel. Siya rin ang pangunahing may-akda ng 110 bills.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Wala pang pahayag si Soriano na nagpapaliwanag kung bakit siya nagbitiw sa kanyang puwesto.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Nananatili namang kinatawan ng ACT-CIS party-list  sina Representatives Edvic Yap at Jocelyn Tulfo.

Si dating DSWD Secretary Erwin Tulfo ang napapabalita na papalit kay Soriano. Si Tulfo ang ikaapat na nominee ng ACT-CIS.//CA