Pagkakaroon ng ‘walk through,’ solusyon hindi na ligtas na kalsada sa Barangay Pamurayan

Magkaroon ng ‘walk through’ o pansamantalang daanan mula sa Barangay Guinlajon hanggang sa Purok 7 ng Brgy Pamurayan.

Ito ang nakikitang solusyon ni Pamurayan Barangay Captain Arles Janaban sa problema kaugnay sa sira-sira at butas-butas na kalsada sa kanilang lugar.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Ayon dito, ito ang tanging paraan na kanilang naiisip upang matugunan ang kasalukuyang problema.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na makikipag-ugnayan sila sa contractor at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa nasabing plano.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Mababatid na isang truck ang naaksidente sa lugar dahil sa malambot na lupa at mga butas o culvert sa nasabing kalsada at hindi na ito ligtas upang daanan ng mga malalaking behikulo.