Pagpapatayo ng Muslim Memorial Park sa Koronadal, minamadali na

KORONADAL CITY- SA mas madaling panahon, maitatayo na ang Muslim Memorial Park sa Koronadal.

Ito ang inihayag ni City Councilor John Rey “Chow” Rodriguez sa isinagawang Ugnayan sa Sanggunian.

Ayon kay Rodriguez, na all-set na ang pagbili ng lupa makaraang naaprubahan na ang resolusyon na nagbibigay ng pahintulot sa alkalde ng lungsod na maglaan ng pondo para dito.

Read More:  Bus catches fire in Davao de Oro, LTFRB XI orders probe

Kaugnay nito, kung mabibili na ang lupa sa Purok Garfin, Barangay Paraiso, Koronadal, nagbigay umano na commitment ang City Engineering Office at CENRO na magsasagawa sila ng site at project development plan inspection.

Read More:  Mother, three children killed inside Zamboanga del Sur home

Ang programang ito ay pinondohan ng P1.9-Million kung saan nasa mahigit dalawang ektarya ng lupa ang bibilihin para sa proyektong ito.