DA, naglaan ng mahigit P177M para pigilan ang bird flu

Naglaan ng P177.78 million na pondo ang gobyerno para pigilan ang pagkalat ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) virus sa bansa gaya ng iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry o DA-BAI ang naglaan ng budget para sa Avian Influenza Protection Program nito para sa pagpapatupad ng mga mitigating measures bago at sa panahon ng bird flu outbreaks.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Binigyang-diin ni DA-BAI Assistant Director Arlene Asteria Vytiaco, na pinalakas ng bureau ang control measures para maiwasan ang pagdami ng kaso ng bird flu sa bansa.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ang pondo aniya na mas mataas kaysa sa alokasyon sa mga nakaraang taon, ay gagamitin din upang tumugon sa animal disease emergencies sa pamamagitan ng early detection at maaasahang mga laboratory diagnostics.//CA