PDEA, kumpiyansa na kakayanin ng Olongapo na maideklarang drug cleared city

Naniniwala ang Philippine Drug Enforcement Agency na kakayanin ng iba pang barangay sa Olongapo na madeklarang drug cleared.

Ito ay dahil una nang nalinis sa illegal drugs ang ibang mas malalaking barangay gaya ng Barangay East Bajac-Bajac, West Bajac-Bajac, Kalaklan, West Tapinac at New Cabalan

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Ayon kay PDEA Zambales Agent Jigger Juniller, pitong barangay sa Olongapo ang hindi pa deklarado at anim sa mga ito ang moderately affected habang ang isa naman ay kandidato na sa pagiging drug cleared.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Wala naman nang ikinokonsiderang seriously affected sa mga ito at inaasahang mas mapapadali ang proseso sa pagdedeklara sa tulong ng iba pang ahensya ng pamahalaan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO