Mahigit 600 ektaryang kalupaan na protected area sa Mt. Isarog na pag aari ng Naga City tiniyak na ligtas sa illegal logging

NAGA CITY –Napapangalagaan at ligtas sa anumang pamumutol ng mga kahoy ang nasa 664 ektaryang kalupaan na pag-aari ng Naga City na konsideradong protected area sa Mt. Isarog.

Wala aniyang illegal logging na nangyayari sa lugar.

Ito ang pagtiyak ni Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos sa Brigada News FM Naga, bilang pag monitor na rin sa mga kaganapan sa protected area na sakop halos ang kanilang lugar.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Sa pahayag ni Ramos, ang lugar ang mahigpit na binabantayan ng Mt. Isarog Guardians, na siyang pangunahing nangangalaga dito.

Regular naman aniya ang ginagawa niyang pakikipag-ugnayan sa mga ito para matiyak na walang nagaganap na pamumutol ng mga kahoy.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Ipinagbabawal din ang pagkakaingin sa protected area o itong pagsusunog para maiwasan ang insedente ng sunog sa paligid at tuloy hindi maperwisyo ang mga bagong tanim na mga punong-kahoy.

Una na ring itinuturong isa sa dahilan ng pagkakaroon ng baha sa lungsod ay ang kabawasan na rin ng mga kahoy sa Bukid Isarog na sumasakop sa ilang bayan sa Camarines Sur.