Kawalan ng makenaryang pang-dagat, dahilan umano na hindi matutokan ng LGU ang illegal fishing- SB Narra

Kawalan umano ng kagamitan o makenarya na pang-dagat ang dahilan kaya hindi matutukan ng lokal na pamahalan ang illegal fishing activities sa bayan ng Narra, Palawan.

Ito ang nakikitan dahilan ngayon ng sangguniang bayan matapos ang privilege speech nitong nakalipas na Martes ni Committee Chairman on Agriculture na si SB Benedicto C. Acosta.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Ayon sa lokal na mambabatas, tanging Philippine Coastguard at Philippine National Police lamang ang nakatutok sa panghuhuli sa mga iligalista.

Dahil sa problema, kinakailangan nang higpitan ng law enforcement units ang pagbabantay sa kanilang nasasakupan upang mag-alinlangan ang ilegal na pangingisda.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, sa ngayon ang Lokal na Pamahalaan lamang umano ang tumitimbre o nagsusumbong sa kinauukulan sakaling may ma-monitor na ilegal na gawain sa karagatan.