Taas singil sa kuryente at rotational brownout, ibinabala ng PELCO 1

Nagbabala ang Pampanga Electric Cooperative o PELCO 1 sa kanilang mga member-consumer hinggil sa nagbabadyang taas singil sa kuryente at posibleng rotational brownout.

Ayon sa PELCO 1, posibleng umabot sa 14 pesos ang itataas bawat kWh sa darating na March 2023.

Dahil umano ito sa inaasahang pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM ngayong February bunsod ng naka schedule na maintenance shutdown ng Malampaya mula February 04-18, 2023 base sa inilabas na advisory ng Department of Energy.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Maliban sa taas singil, isa pa sa posibleng maranasan ng kanilang consumer ang pagkakaroon ng rotational brownout, dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente.

Ang Malampaya Deep Water Gas-to-power kasi ang supplier ng natural gas sa mga malalaking power plants sa Luzon.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ang pansamantalang shutdown ng Malampaya ang syang magpapataas sa presyo ng kuryente sa WESM, kung saan naman kumukuha ang PELCO 1 ng 65% ng kanilang kabuuang supply ng kuryente.

Kaya hinihikayat ng PELCO 1 ang kanilang mga consumer-member na gamitin ng wasto at maging masinop, at mag tipid sa pag gamit ng kuryente.