Mahigit 7, 300 na pamilyang apektado ng Shearline at Amihan sa Camarines Sur naayudahan na ng DSWD

NAGA CITY- Umabot na sa 7, 361 ang mga pamilya sa Camarines Sur ang nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)- Bicol dahil sa Amihan at Shearline.

Sa tala ng tanggapan kabilang sa mga pamilyang ito ay mga hindi nakapagpalaot na mangingisda, mga inilikas dahil sa baha at pati na rin dahil sa sunog.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Ang pamimigay ng ayuda ay nagsimula noong Enero 4 hanggang kahapon Pebrero 7, 2023 sa Patitinan Sagñay. 100 pamilya naman ng mangigisda ang nabigyan doon.  Kung lalahatin aabot na sa mahigit P5.3-milyong piso ang halaga ng tulong ng DSWD sa probinsya.

Read More:  FEU Alabang suspends classes, onsite work amid bomb threat

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Marites L. Quismorio , Chief ng Disaster Response Management Division na mabilis naman silang tumugon sa request ng mga LGUs , mahalaga aniyang may maayos na bilang ng mabibigyan at rehistrado ang mga mangingisda.