Lalaking wanted sa kasong rape sinilbihan ng warrant of arrest sa loob ng kulungan

CAMARINES NORTE- Sinilbihan ng warrant of arrest sa loob ng kulungan ang isang lalaking wanted sa kasong rape, Miyerkules ng umaga, Pebrero 1.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ricky”, 21 anyos, binata, at residente ng Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Ang arrest warrant laban kay alyas Ricky ay ipinalabas ni Acting Presiding Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court Branch 56 sa Libmanan, Camarines Sur dahil sa kasong Statutory Rape na may petsang Enero 19, 2023 at walang kaakibat na piyansa.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ayon sa ulat ng Philippine National Police unang nahuli ang akusado noong Enero 19, 2023 para sa kasong pangagahasa sa isang 12-anyos na batang babae na nangyari sa Sipocot, Camarines Sur.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang akusado ay ika- siyam sa listahan ng Provincial Most Wanted Person ng Camarines Norte PNP at ikalawa naman sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ngayong buwan ng Pebrero sa Bayan ng Basud.

Nasa kustodiya ito ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.