Bagong DSWD chief, target na magkaroon ng mas magandang logistics sa relief operations

Nais ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na irebisa ang logistics setup ng bansa para sa relief operations para mas maging responsive umano ang ahensya.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay Rex Gatchalian, ito ay “shared priority” nila ni President Ferdinand Marcos Jr., na “very concerned” umano sa climate change at ang epekto nito sa relief efforts para sa mga apektadong pamilya sa oras ng kalamidad.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Paliwanag ni Gatchalian na kabilang sa mga logistics na kanyang tinutukoy ay ang warehousing at transporting ng mga pagkain at iba pang goods.

Kaugnay nito, kukuha ang DSWD ng third-party at private logistics companies para sa pagbiyahe ng goods.